Thursday, January 26, 2012

Messages to Jaycie

Ako rin, nagsimula ako sa dramas! Boys over Flowers (2009) yung pinaka1st na kinalokohan ko. Si Lee Min Ho rin ang pinakafirst kong K-crush. Pagkatapos nun, napanood ko ang You’re Beautiful (April 2010) at na-inlove ako kay Jang Geun Suk!! (parehas tayo, kekeke) Naging crush ko si JGS until nameet ko ang SuJu noong Sept. 24, 2010 ~ doon na nagstart ang Kpop fever ko. Na-meet ko ang MBLAQ noon pa sanang January 2011 (ex-Shawol rin ako) dahil bestfriend ni Onew si Joonie atsaka kapatid ni Sandara si Cheondung. Nag-search ako ng profile nila pero binasa ko lang… Hindi ako na-attract sa kanila. Promise ko kasi sa sarili ko noon na magfofocus lang ako sa SHINee. Then, na-meet ko ang UKISS (napakafunny rin nila!) kaso lang habang nag-gegetting-to-know pa kami ng sisters ko sa kanila, pina-watch kami ng younger sister namin ng Cry MV (April 28, 2011) ~ Naging curious na ako sa kanila pagkatapos noon! May 1, naging certified A+ na ako ^^ Ginawa kong imaginary husband si Mir noong hindi pa ako nakakapanood ng variety shows nila (kaya yung username ko dito ay Mirjolaine).
Pero like you, after napanood ko ang Idol Army (a day before birthday ko), naging Seungho bias na ako!! Sa ngayon, pure-blooded A+ ako pero may chosen few akong pinakikinggang songs from other boygroups ^^ So sa iyo, 2nd to MBLAQ is CNBlue! Idol ko yang si Jung Yonghwa!! Grabe 4-in-one ang voice nya! biggrin.gif Wala kaming songs nila except sa Love at Intuition ^^

Dapat talaga friendly ang mga admin sa mga forums. Pag masama kasi ang ugali, nakakadiscourage. Siguro ang reason why kakaunti lang A+ dito is yung isnaberang ugali ng mga mblaqph admins : / Curious ako: Mas marami ba ang Boice kaysa sa A+ dito sa Pinas?
Bahala na talo ang mga namja natin today sa MCD. Nag-expect na ako since last week na matatalo sila ng T-Ara. Sige lang, may next time pa naman ^^

Jaycie Unnie!!, Jan 23 2012, 12:21 AM


Jaycie unnie!!
Maraming salamat zillion times sa pag-update about sa order!! :’) Wala kaming violent reaction; ok na ok sa amin ang price!! Basta once napadala mo na sa amin ang CD thru LBC, sabihin mo ASAP ang lahat ng gastos mo para mabayaran ka namin agad smile.gif
QUOTE
Ako din, di ganong nag eexpext na mananalo sila kasi mas masakit if nag expect ka,..

Sana ganoon din ang MBLAQ. Ngayon kasi, sina G.O. at Mir nadedepress. Ayoko talagang maging malungkot sila (T_T) Naha-heartbroken din ako… Parang nawawalan sila ng pag-asa na ma-reach again ang #1 (T_T) Naiintindihan ko rin naman sila — kasi madedepress rin ako 100% pag ako ang nasa sitwasyon nila. Talaga kaming mga blood type A, napakaemotional. Ano ba ang blood type mo? Pero di naman talaga base sa blood type yung pagkaemotional ~
Kekeke, love mo rin si Hongki na kamukha ni Mir ^^ Pero para sa’kin, mas gwapo si Mir (syempre!) Sana maimpluwensyahan mo ang bestfriend mo para mapunta sya sa tamang landas ^^ Maganda naman ang mga songs ng SHINee pero mas maganda talga ang MBLAQ Styles ^^

Ang tatanga talaga nyang mga nasa mblaqph, tsk5. Di nga natin alam kung tumutulong rin ba sila sa paggawa ng A+ duties : / Ah bahala na sila. Basta ang wish ko lang, mapili ng MBLAQ ang Pinas as one of their destinations for MIM!! Sila kasi ang pipili ng mga pupuntahan nilang bansa! Sana namimiss na ni Doongie ang Pinas :’(

Speaking of promoting MBLAQ, hay salamat, may Just BLAQ na sa music store dito smile.gif
Napakafunny ng HB!! Nakakatawa kahit walang subs! Hindi ako nagreply agad kasi tinapos ko pa ang pagda-download ng buong episode. Kanina lang kaming hapon natapos… Magaling naman palang mag-English si Seungho kaso di nya ginagamit sa twitter ~ Kay Mir rin pala sana si Leo pero mas naging determinado si Doongie sa pagkuha sa kanya. Kawawang Joon, hindi kasali si Alex sa show. At grabe si Seungho ha! Nashock ako noong kinain nya ang bubble gum galing mismo sa mouth ng baby girl in red!! Totoong appa talaga sya!! Naiinggit ako sa mapapangasawa nya… Swerte nya masyado (T_T)
Sori rin sa late reply…
God bless you always at Kung Hei Fat Choi!!

Re:Jaycie Unnie!!, Yesterday, 08:49 PM January 25, 2012
Magkadugo talaga tayo, hahaha!! A+ na tayo since birth biggrin.gif
Hay nako, kung ano yung naramdaman nina Mir at G.O. last Sunday, yun naman ang nararamdaman ko ngayon. Ang rami kasing binigay na project na namn (T_T) Pero kagaya ng sinabi mo, dapat akong mag-think positive ^^ I will do my best palagi ^^
Basahin mo to!! MBLAQ wants to come to Philippines!!
Unnie, sana magkatotoo to!! Oh my gosh, kahit na malungkot ako kasi hindi ako makakapunta sa Manila, kahit man lang sa TV patrol at 24 Oras mapanood ko sila :' )

Sana mawatch mo na ang HB! E yun nga lang ang napapanood ko sa kanila eh. Hindi ako nakakadownload ng perfs nila (walang time para dyan). Sige lang, may next time pa namn, kung may rest period tayo ^^

God bless you sa lahat ng mga inaaskikaso mo!! Aja! Fighting!! biggrin.gif

Sincerely Your BC friend, too ^^


Re:Ate Jaycie!!!, Jan 20 2012, 01:43 AM

No comments: