Thursday, January 19, 2012

Messages to Jaycie

Ate Jaycie!!!, Jan 10 2012, 10:26 PM

Hello Ate Jaycie!!

Sori kung nadistorbo kita. Nahihiya nga rin akong sabihin at itanoing to sa'yo pero...desperadang-desperada ang ate ko na makabiili ng 100% Ver smile.gif
Nabasa ko kasi kagabi sa SB na gusto mong tulungan si imkaaaat about sa ordering. Sinabi mo ring ikaw ang kumukuha ng orders ng A+ dito sa "It's more fun here in the Philippines". Naisip kong baka pwede mo rin kaming tulungan...

Alam mo ba ang price ng isang album? Hindi kasi namin alam kung magkano lahat... Isali mo na rin ang shipping... ay!! May shipping pa nga rin pala papunta dito sa Davao (T_T)

Ah basta for now, gusto lang namin malaman kung magkano ang isang album... Kung mahal, di na kami bibili... kung kaya ng budget, pwede mo ba kaming tulungan sa pag-order? Huhuhu...

Thank you soo much in advance sa pag-reply!!
Ipray mo rin na sana gumaling na ang nexk injuries ni Seungho darling dearest natin... Sana gumaling na yun...

God bless you and Thank you!!

Re:Ate Jaycie!!!, Jan 11 2012, 03:28 PM
Salamat, salamat, THANK YOU VERY MUCH, Ate Jaycie, sa lahat-lahat!!!

Sana hindi talaga umabot ng 1,000 kasi baka mamatay kami ng ate ko, hehehe!
Ang bait, bait mo talaga! Hindi makapal ang mukha mo no! In fact, napakabuti nga ng ginagawa mo kasi nag-volunteer ka para sa ating lahat dito sa Pinas pra sa victory ng MBLAQ!! Hay naku, kung wala ka, hindi kami makakapag-order! biggrin.gif Ako ang makapal ang mukha dito... :S

Napaka iresponsable naman pala yang mblaqph. Akala ko active rin sila gaya ng ibang A+ fandoms : / Di bale na, dyan ka naman eh. Madali lang rin ang communication natin kasi members tayo dito ^^ Sige, final na, oorder na kami kasi bukas na pala ang deadline ^^ Isang album lang ~ (no budget, hehe)
Wala kaming credit card kaya magbabayad kami ng ate ko sayo thru Cebuana Lhuillier, M Lhuillier or Western Union. Sasabihin ko sayo yung final payment method namin sa Friday.... Ok lang ba? Sorry masyado :'(

Babayaran ka talaga namin, promise... Atsaka, bad news, uutusan din kitang ipadala ang album thru LBC. I-add mo ang lahat ng binayad mo atsaka sabihin mo sa akin. Iyon ang ipapadala namin sa iyong pera. Ok lang ba? Huhuhuhu...

Friend na kita simula pa noong nag-chat tayo sa shoutbox noong December 7, 2011 wink.gif


From your desperada at hampas-lupang friend,

Shammie ~

God bless you and TCCIC (Take Care Coz I Care) smile.gif


Re:Ate Jaycie!!!, Jan 12 2012, 11:00 PM
Kung natawa ka sa akin, naiiyak naman ako sa iyo :' ) Tears of joy!!
Salamat talaga!! ♥♥♥ You're more than an Angel!! Nagsuggest ka pa nga ng G-cash para makamura kami :' ) Sana ikaw ang president ng mblaqph tulad mo! Mas aasenso talaga ang MBLAQ pag ganyan ang attitude niya at ng lahat ng members nun!!
Paano ba mag-transact sa G-cash? Kailangan bang bumili ng Globe sim?
Itetext ka lang rin namin, ha ^^ Thank you sa pagtatrust sa amin!!! ^^

God bless you always and forever!!


Re:Ate Jaycie!!!
, Jan 13 2012, 09:48 PM

Salamat sa info about sa G-cash!! Wow, madali lang pala yun ^^ Akala ko ailangan ko pang maglakad sa alambre para makatransact! Mabuti may malapit na Globe service center sa bahay namin biggrin.gif

Thank you very much din!! Ikaw ang first Filipina A+ na nakaspazz ko abt sa kanila! Wala kasing A+ dito sa Davao. Kung meron man, baka di ko pa sila nami-meet ~
Hidni ko pa napapanood ang perf nila. Busy kasi ako masyado at hidni pa nadadownlad ng mga kapatid ko yung perf nila sad.gif Gusto ko na talagang makita yon!!! AHHHHH!!!! heartemo.png



Ay kaunti na lang time ko dito sa net cafe... continue ko lang mamaya ^^

Re:Ate Jaycie!!!, Jan 14 2012, 02:06 AM
Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakareply – nanood kasi ako ng Sungkyunkwan scandal (parang di ako estudyante, noh? ^^) Hehehe, iset-aside muna natin yung kwentuhan about sa order ^^
Marami-rami rin tayong mga Filipina/no dito, noh? biggrin.gif Sino si dani? Tanong ko lang kasi di ko pa sya nakikita dito sa forum ^^

Ay, wala na akong kakilalang A+ dito (T_T)
Deserving ka talagang maging president ng mblaqph!! Yung mga isnaberang yun, akala mo kung sinong magaganda! <_< Di naman sila supportive at hardworking gaya mo! ^^ Mga echuserang froglets lang sila!! Hahahaha!!!
Btw, wala rin bang binentang previous albums ng MBLAQ sa mga music stores dyan? Kasi dito sa Davao, nag-iisang Y album lang talaga ang nakita namin! Napaka-unfair kasi may mga binebentang album ng hindi naman masyadong sikat sa buong Pilipinas gaya ng T-Ara at Infinite, atsaka yung mga SM artists ang may pinakamaraming albums sa mga music stores sad.gif
Nanalo ba ang MBLAQ sa Mcountdown? Kailan ba nila sasabihin kung sino ang nanalo? unsure.gif


P.S. Uminom ka ng sabaw ng malunggay para hindi ka mawalan ng iron sa dugo mo atsaka para sa mga mata mo ^^ Nagpupuyat ka kasi palagi; kailangan mong maging healthy always smile.gif

God bless you!!!


Re:Ate Jaycie!!!, Jan 15 2012, 01:35 AM
Hehe, you’re welcome ^^
Timing rin habang tinatype ko to, Tonight ang pinapakinggan ko ^^ May Blaq Style Repackaged dyan?! WOW! Pero wala akong planong bilhin yun ~ alam mo na ^^ Maganda rin naman ang cover ng repackaged! Nakita ko lang sa net — pag-ginalaw mo ang album, umiiba ang picture sa harap kaya tinawag na “3D version”. Ganyan rin ba ang nakita mo dito? Ah basta, magaganda ang BLAQ Style albums nila!!

Ang rami kasi ng fans ng SM dito especially SJ : / Parang sila lang ang pinaprioritize >_>
Di bale na, MBLAQ naman ang pinakatalanted at pinakagwapong boygroup sa buong SK ^^

Nakita ko na ang perfs nila sa MCD at Music bank!! Grabe!!! Napakasobrang impressive talaga nila ~ Nain-love uli ako, hahahaha!! Natawa lang ako kay Cheondung sa Music bank nung kumakanta sila ng NakSeo. Para syang mannequin sa tayo niya! LOL!
Sana manalo sila sa lahat ng music shows!!! Nanood rin ako ng MV ng Lovey Dovey kasi curious ako why lagi sila nananalo ~ parang Roly Poly lang >_> Kung mananalo uli ang T-Ara, This is War na talaga!! Grrrr…
Hindi mo pa nakikitang umiiyak si Mir? Sa Y promotions nila, may mga pics kung saan ang rami nyang luha! smile.gif Gwapo pa rin sya kahit umiiyak! So, siya rin muna ang bias mo ngayon? Sige, kasi akin si Seungho!!
Ano ang pinakagusto mong kanta ngayon sa 100% Ver? smile.gif

Re:Ate Jaycie!!!, Jan 15 2012, 05:15 PM
Hello Ate Maganda!!
Na-add na kita sa FB! Ikaw ang ikalawa kong friend doon hahaha! Hindi kasi ako nakikipagfriend sa kung sinu-sino lang ~ Hindi rin ako masyadong active sa FB kaya hindi ko uulanin ng updates ang timeline mo ^^
Pumunta pa nga ang ZE:A sa Eat Bulaga pero wala akong paki sa kanila ^^ Hehehe, oo nga, yung karamihan sa mga taong pumunta doon sa mall tour nila parang na-curious lang ^^ Alam mo naman tayong mga Pilipino, na-aamaze sa mga foreigners, kekeke.
Ang astig ng mukha ngayon ni Mir; mata-touch talaga ako pag iiyak sya na ganun ang look niya! Hahaha!
About sa album, OK na OK! Hindi naman kami nagmamadali kasi may na-download na namin ang lahat ng kanta nila ^^
May kapatid/mga kapatid ka diba? Mga pure A+ rin ba sila?

Re:Ate Jaycie!!!, Jan 16 2012, 02:05 AM
Hahahaha!! LOL!!!
Natawa ako dun sa story mo!! Salamat sa pag-share!! Hahaha, ok lang yun at least alam ng boss mo kung anong sinasabi mo biggrin.gif Doon sa skul ko, wala akong mapagsabihan about sa MBLAQ : / kahit na ineendorse ko sila, wala namang nakikinig, grrr… Mas gusto kasi nila yung Hollywood atsaka ayaw nila sa di nila naiintindihan.

Kung may ganyan ka pang stories, sabihin mo ha biggrin.gif

PC problem?? tawagan mo si Seungho!! wink.gif

Grabe talaga kayong lahat ng bumubuto for MBLAQ… Nakakahiya kasi wala akong ginagawa. Masyado kasi akong busy ngayon ~ final exams na namin this week atsaka may ipapasa akong thesis (T_T) Sori talaga kung napakauseless ko (T_T) Vote lang kayo ng vote ha!

WOW! Ang lakas talaga ng influence mo!! Impluwensyahan mo nga rin tung mga schoolmates ko, please… Maiimpluwensyahan mo rin yang boss mo. Abangan mo ang mga susunod na kabanata ^^
Btw, kagabi nalimutan kong sabihin about sa work mo ~ doon ka ba magtatrabaho sa Singapore kaya sinabi mo sana makapunta na dito ang MBLAQ before ka pupunta doon? (T_T)
Don’t worry – mas binibisita naman ng MBLAQ ang Singapore ^^ sa tingin ko di nila isasama ang Pilipinas sa tour nila kahit na nakatira rito noon si Cheondung (T_T)


A+ rin ang mga kapatid ko (3 girls kami). Baliw na baliw sila kay Joonie habang sinosolo ko si Seungho, kekeke!

Once a day lang talaga akong magreply. Nagreresearch kasi ako para sa thesis ko ~

God bless and good morning!!

Re:Ate Jaycie!!!, Jan 17 2012, 02:46 AM
Jaycie-ya ~
Kumusta na ang technician-for-a-day? ^^ Pwede ka nang maging technician kasi naayos mo! Congrats!!
sad.gif Pupunta ka talaga doon? (T_T) Pero…
Kung saan ka Masaya edi susuportahan kita ^^ Sana maging maayos lahat ng papers mo at matatapos na rin ang mga kaechusan sa pagpo-process! Kekeke, sana mas malaki ang sweldo doon sa Korea para makita mo lagi ang mga beloved natin araw2! Makakapag-aral ka pa ng Korean pag doon ka magtatrabaho ^^ OK rin pala ang Singapore kasi yun ang financial center dito sa Southeast Asia. Malaki talaga ang sahod doon! smile.gif basta, kahit anong desisyon mo, alam kong babantayan ka lagi ni God at Jesus at lagi ka nilang ibe-bless biggrin.gif Golden-hearted ka kasi ; )) Don’t worry ^^
Inggit na inggit ako kay lauren, ahhhhrrrr!! Sana maging Lauren ako for a day.
parang call center agent din ako rito. nagpupuyat pero fighting!!
Bongga ang KA+ ha! Pinagpaplanuhan nila ang bulk-ordering. Nice one ^^

Re:Ate Jaycie!!!, Today, 12:50 AM
Sori sa late reply…

Kekeke, sana maging technician rin ako ^^ Marumi na kasi ang PC naming (3 years na tong walang linis2)! Hindi kasi ako bagay sa ganyang trabaho. Pawisin pa nga yung mga kamay ko, disgrasyada pa! tsk, tsk, tsk.
Ay may plano ka ring iba pag nagging Lauren ka for a day, ha! LOL! Yan talaga, i-take advantage mo na ang once in a lifetime chance!! Sana naman magkatotoo shy.gif
Nagtataka ako kung bakit hindi lapitin ng babies si Mir. Diba maganda naman ang relasyon nya kay Hajin? Natural na ganoon rin yung pagtreat nya sa ibang bata. Hmmm…
Pinapagalitan ba ni Joonie ang mga babies? Kasi sabi ni Leo sa papa nya, si Joonie ang nagdidisiplina sa kanilang tatlo. kaya naman pala ayaw sa nila sa kanya, hahaha!
Hay nako, kailangan ko pang maghintay ng May para mapanood ang buong HB (T_T)

Regalo para kay Mir? Hmm, engagement ring na lang kaya? ;D Mahirap talagang mag-isip ng gift, especially na alam nating ang rami-rami ng binigay sa kanya!! How about souvenir Philippine T-shirt? Para malaman nya ring may admirers sya dito ^^ Size nya, parang large ok na yun smile.gif

Gusto ko rin sanang magparticipate kaso lang hindi pwede magpadala ng letter. Isa pa, inipon ko rin ang pera ko for 100% Ver atsaka sa mga school projects kaya try ko lang next year makabigay sa kanila Mir at Joonie ^^
Hehehe, dapat ang sahod mo doon sa Korea ha, 100 million won every 15 days ^^
Salamat sa malaking G.blink.gif.D. LUCK!! :’) Salamat sa support! Fighting!!
Aja, aja Fighting rin always sa inyong lahat na nag-eendless voting, streaming at searching!! Idol ko kayo, woohoo!

Re:Ate Jaycie!!!, Today, 02:01 AM
Hahaha, sabi pa nga ni Mir, magiging ka-level nya ang mga baby sa show na’to ^^ Ang harsh naman ng mga babies, ginagawa na ni Mir lahat para sa kanila pero wala lang sa kanila :S

Hahaha, ok lang naman rin yan kay Joon. Lapitin naman sya ng mga kaedad natin wink.gif Atsaka baka sa mga susunod na episodes, iiba na yung ihip ng hangin hehe.gif Si Seungho, certified ddalbabo na!! Noon, lagi lang syang nagsasabing, “I want to have a son”. Ngayon, isasagot na nya sa mga interview, “I want to have a daughter”.
Bilib talaga ako sa kanya kasi pang ideal-husband sya (or almost ideal kasi di pa natin alam ang lahat ng ugali nya). Di talaga ako nagsisisi na sya ang one-and-only ko shy.gif

Buti lang yan na painggitin si Doongie para mamention nya rin sa susunod ang Philippines sa mga ‘thanks to’ nya! Basta kahit anong gusto mong ibigay, ibigay mo kay Mir ^^
Yep, masyado talagang gastos! Sa totoo lang, napakakuripot ko. Gusto kong bigyan sila ng gift pero iniisip ko, “Hindi ko nga nabibigyan ng gift ang sarili or mga kapamilya ko, sila pa kaya?” hahaha! Kailan ka ba naging Kpop fan? Ako, September 2010 so bago lang.
Nyak~ Sori sa mga mali sa message at typos (yung iba kasi automatically natatranslate into English ~ Tinatype ko kasi first ang message sa MS Word) atsaka sa GOODLUCK na naging G.blink.gif.D Luck. Di ko alam na may emoticon pala na 0.0










No comments: